Okkkaaaaay.
Buong week na nasa Manila si Daddy kaya "BAWAL LAKWATSA WITH FRIENDS" (message in sublime: don't hang out with boys). So it's a Date with Daddy TODAY and everyday. 
Ansarap ng feeling na may overprotective na daddy pero hindi niya alam na may mga kaibigan na akong boys... oh well since high school. At tiyak na kakausapin niya bawat lalaki na makikita niyang makakatext o makakausap ko.. Masyado siyang paranoid sa baby girl (eeew) niya. Haha. Feeling niya kasi wala pa ako sa legal age.
So eto nangyari:
Daddy: Anong balak mo sa 14?
Paola: Wala po eh. Sa dorm lang. Baka gigimik kasama si Sugar. Depende. Bakit po?
Daddy: Uwi ka na lang sa atin.
Paola: *dot dot dot moment*
Daddy: Andoon naman boyfriend mo di ba?
Paola: *dot dot dot moment ulit* (OO, hindi niya alam na wala na. )
Daddy: Oh basta uwi ka na lang kaysa maglakwatsa. Kamustahin mo na lang yung bagong Pitbull sa bahay. At isa pa, para di ka gumastos. Sigurado ako, may mga barkada ka ng lalaki.
Paola: Okkkaaaaayyyy.
----
Sabi ko nga, siya din lang sumagot sa tanong niya. Nakakatakot siya, animo'y sasakalin lahat ng lalaking makakausap ko. Pinapauwi ako para mag-alaga ng aso, musta naman yun. Ano pa ba? Para turuan yung bunso kong kapatid sa Math, eh olats nga ako doon eh. :))
Sobrang mahal ako ng tatay ko. Alam ko iyon. Pero dahil love ko siya, uuwi ako. Valentine's eh at saka S naman ako. Hahaha. Lagot nga lang si toooot kapag nalaman ng tatay ko ang totoo. Siguradong bugbog-sarado yun. JOKE LANG! :)) Pero bahala siya sa anong gusto niyang gawin doon sa taong yun. Susuportahan ko ang tatay ko. Haha. Behlat! Good girl gone bad.
Kaya, huwag na problemahin kung alang ka-date sa 14. Sino ba ang pinakaunang babae/lalake sa buhay niyo? Di ba ang tatay at nanay niyo? Ayan let's celebrate with them. Guaranteed no heartbreaks pa.
Agree with me na lang mga bro! :))
P.S.
Sinong gusto ng pasalubong?
No comments:
Post a Comment