Sunday, February 8, 2009

S ka ba? :))


Hindi bote ng Redhorse ang kasagutan diyan sa problema mo, katoto.


Kung S ka, dapat kang magsaya. Walang problema doon.


Sabi kanina ng pari sa Homily sa misa, lahat may hangganan. Oo, lahat. Lalo na kung iniisip mo ngayon eh nagdudusa ka.


Habang nagmimisa ang pari eh may pumasok na lalake at biglang nagsisisigaw ng "ANO NA LAMANG ANG GAGAWIN KO KUNG INIWAN NA AKO NG LAHAT NG TAONG MAHAL KO? Wala na ang asawa ko, iniwan na ako. Sino dapat sisihin?"


Syempre, sino ba namang di magugulat sa eksenang ginawa ni kuya. Eksena yun eh kaya imbes na makinig ng misa, dahil Pilipino tayo, usisera tayo. Lahat doon nakatinigin hanggang lapitan na siya ng guard para palabasin ng simbahan.


Wala nang maingay. Alam ko nasa isip ng lahat: nasisiraan na ng ulo ang taong iyon.


Nabaliw man siya sa pag-ibig--literal man o hindi--huwag na nating hanapan ng rason kung bakit may nga tao pa ring nagpapakaslave (hirap na akong magtagalog) sa love. :))


Ako, bilang isang estudyante ng sikolohiya (walang kamatayang plug-in), naiintindihan ko iyon. Kung ikaw tatanungin, hindi ka pa ba nabaliw dahil sa errrr, pag-ibig?


Haha. Sige change topic na. Maniwala na lang kayo na God is writing the best love story of your life.


Wag kang magmadali. Masaya maging S. Waiting is the sweetest torture, sabi nga nila pero para sa akin, waiting will be the sweetest torture but you'll have the sweetest consequence in the end.


Senseless na yata yung sinasabi ko. Kaya yung isang kaibigan ko diyan na feel na feel niya maging single eh, huwag mo na sila isipin. Mag-aral ka na lang. Mas masaya maging DL kaysa magkaboyfriend. Enggggkkksss, wala yata nag-agree sa sinabi ko. Basta yun na.


Yang bote ng Redhorse, hindi ka bibigyan ng boy/girlfriend. Bibigyan ka lang niya ng kakaibang sipa at lakas (ng loob) na makapaglabas ng sama ng loob. Pero anong mangyayari? Sasakit ulo mo, mahihilo ka tapos makakatulog ka kasi nalasing ka na. Pero paggising mo kinabukasan, magkakaroon ka na ba ng boy/girlfriend?


Hindi, di ba? Wala ka na ngang napala, masisira pa liver mo. Bahala ka. Eh kung umiksi ang buhay mo dahil sa ganyang mga sakit na nakukuha mo sa mga ganyang gawain, paano mo pa masisilayan ang mga pagkakataong dapat ginugol mo sa mga makabuluhang bagay?


Pag-isipan mo iyan. Hindi lang Redhorse ang pwede, este may mga ibang bagay na pwedeng gawin.


At isa lang ang sinisigurado ko, madalas dumating iyon sa di inaasahang oras.


Sige, sa susunod ulit yung mga ibang kwento, mag-aaral pa ako ng Psychometrics eh. Sana lang mataas makuha ko bukas.

No comments: