Ang bawat pagbuntong-hininga ay nangangahulugang paglipas ng mga sandali.
Isang ingay na lamang ang gumugulo sa akin.
Ang ingay na punung-puno ng mga salita na hindi man lang makagawa ng isang tinig sa aking mga bibig. Nauutal at walang pinagkaiba sa nasasakal sa hindi pag-imik. Mabigat na ito kung ituturing pero pinipilit ko pa ring labanan ang bawat pagkakataon na malapit na akong bumitaw.
Mahirap kaaway ang sarili, alam ko, ngunit hanggang kailan ko ito dadalhin?
Buntong-hininga at isang titig na lamang ang kaya kong gawin at pagkatapos nun ay hindi ko na alam kung saan ako dadalhin.
Saka ko na lang nalaman na ako lang pala ang nagpalipas ng pagkakataon.
------
You keep on telling your story for this day. I never said a word preceded by a blank stare.
"Are you still listening?"
"Yes."
"Why don't you say something?"
"..."
I forgot to tell you, there is so much in silence. Silence speaks aloud that only understanding can comprehend.
No comments:
Post a Comment