Ayan.
Dahil ayoko pa gumawa ng reaction papers for Science Week, namasyal kami ng dormmate kong si Cierine sa Dangwa. Hmm, ayos nga eh dahil ang dorm namin eh malapit sa Dangwa na siguradong kaiinggitan na naman namin ang mga taong bumibili doon ng mga bulaklak para sa taong espesyal sa kanila.
Eto kami, pasimple kaming nagmamatyag ng mga tao. Tapos ang mga taong dumadaan sa harapan namin eh puro magkaholding hands. Habang kami, eto kumakain ng isaw sa tabi.
At di sinasadyang nagtinginan kami sa isa't-isa... at alam ko na iniisip mo. HINDI KAMI TALO, okay??? Babae ako, ganoon din siya. Oo na, pag minsan, napagkakamalan kaming one of the boys at kami mismo sa sarili namin, masakit matawagan ng ganoon. Haha.
Sabay na lang kaming nagsabi ng. "AWWWW. Buti pa sila! OO na sige na, KAYO na lang."
OO nga, napansin namin, walang masyadong tao sa dorm, nagsipaglabasan ang lahat kasi may kanya-kanyang date. Samantalang kami, napapadaan lang sa mga kainan at makakakita ng couples na sabay nag-didinner.
Oo, dumami din mga tindera ng bulaklak sa Dangwa. Tapos may dalawang magsyota, nagbanatan:
Boy: Oh pagod ka na ba maglakad? Gusto mo mag-skate board ako habang buhat kita? (Kahit imposible pero banat to the max naman itong si kuya oh.)
Girl: *all smiles*
Oh di ba? Habang kami ng kaibigan ko nagtyatyagang tumingin sa mga bulaklak na alam naming di naman namin matatanggap EVER (ay malupet yun! di naman siguro).
At dahil ambisyosa ako, sabi ko na lang, "Gusto ko pagdating ng araw, paglabas ko ng dorm papuntang Dangwa, lahat ng tindahan ng bulaklak dito eh sasabihing PARA SA AKIN lahat ng paninda nila."
Oh, may violent reaction ba diyan? Kung meron, hayaan niyo na akong maging feelingera, ngayon lang ito. :D
Nagbiro lang naman ako, alam ko namang kahit minsan sa buhay natin eh nangarap tayo ng mga eksenang pampelikula lamang. Pero malay natin, darating ang araw na malalaman na lang natin, mas kaya pa pala nating higitan ang mga eksenang nakikita lang natin. Dahil ayun nga, hindi mo na lang nakikita, kundi nararamdaman mo na. Lalo na kung kasama mo na ang taong para sa iyo talaga.
Hindi nga madali maghintay pero minsan worth it din yun. Maging matalino lang sa paggamit ng hypothalamus. Kaya nga nasa utak iyon eh. At ang utak mas mataas kaysa sa puso. Haha.
Masaya ang PSYCHOLOGY (oo, pa-plug in lang ng course). Dati, bitter ako. Pero di naman masama maging bitter. Kasi tignan mo yung mga gamot natin, BITTER di ba? Pero nakakagaling. Wag ka lang mag-overdose ng BITTERNESS. Gets?
May plano na ako sa 14. 14 man yan. Special day sana sa akin kaso... alam na. Bahala na, masaya naman ako kasama mga kaibigan ko. Mahal nila ako eh at mahal ko din sila.
Kaya yung mga iba diyan, di kailangan ng date sa 14. I-date niyo lang ako, magiging okay kayo. JOKE! *Haha. Eto bumabanat na naman.* Ayoko nga. Busy ako eh.
Sana hindi na ako magmukhang depressed gaya ng sabi ng kaibigan ko (kung sino man yung mahilig mamansin sa facial expression ko), ngiti na lang daw. Haha. OO nga naman.
REDBOX TAYO MGA FRIENDS! 
P.S.Sayaw na lang tayo ng SINGLE LADIES. Kahit yung mga lalaki dyan! haha. Joke. Ewan ko ba, kung bakit nauuso yan ngayon. Hekhek.
No comments:
Post a Comment