Friday, July 2, 2010

when two is STILL better than one.

Ah, don't be literally interpreting the title.

Wala lang. Normal na araw lang ulit. Normal na araw para matuto ng bagong mga salita sa Spanish (anyway, los numeros lang), para sa nakagawiang kulitan ng mga barkada at kaklase at normal para sa isang bangayan na humantong sa medyo sigawan.

Normal na araw para maglaro, normal na araw para magtipad kasi wala nang pera. Normal na araw para pagpawisan kasi kahit kailan hindi ko nakita ang sarili kong nagpapayong sa gitna ng Plaza Mayor. Normal na araw na pinili kong masunog ang balat ko kasi wala ako pakialam sa itsura ko. Normal na araw na makita sina Marian at Dingdong, pero wag na tayo pumunta doon. Hindi kasi ako nastarstruck. :))

Ayan, normal na araw nga. Napakaroutinary ng mga gawain ko ngayong semester. Paulit uit. Araw araw naghahanap ako ng bago. Pero wala. Dahil siguro may kulang na. Kung anuman yung kulang, di bale na, nasasanay naman na ako sa feeling na may kulang na.

Nakakatamad na siguro yung araw araw mo pa rin siyang kasama pero di na kayo nag-iimikan. Tapos susunduin ka sa umaga, tatanungin kung kumain ka ng agahan. Tapos pagdating ng hapon, ihahatid ka.

Naisip ko na lang sana andun pa rin ako (or kami) sa feeling na, bago pa rin yun sa amin. Na sana hindi na lang naging normal ang lahat sa amin. Para may bago. Oo, naghahanap ako ng kaabnormalan. Nakakamiss yung feeling na 'Uy, bago ito ah. Sana maulit uli.'

Darating yung point na, sana maulit uli. Sana maulit uli. Sana maulit uli. Sana maulit uli. Hanggang sa kauulit eh, normal na lang yun. Tapos sa kauulit eh, nakakasawa. Sana abnormal na lang ulit yung feeling na iyon. Para pag naulit, bago ulit yun. Oo na, ang gulo ng sinabi ko. Pero intindihin mo ulit yan. Magiging normal ang pagintindi mo sa sinabi ko. Pustahan pa tayo.

Pero habang dumarating na ang dapit hapon, napasyal na lang kami sa paborito naming toy store. Out of nowhere, niyaya niya ako eh. For no reason din. Tinanong ko kung anong okasyon. Eh di ano pa nga ba ang kadalasang sagot kundi, 'wala lang'. Go naman ang lola mo. Oo, normal lang sa amin ito.

Tumingin sa mga bagong laruan... tapos ako naman, walang sawang pinagdiskitahan ang mini cars at Sylvannias Family. Medyo may kamahalan ang mga laruan pero sige busog na ako sa kakatingin sa kanila. Normal na rin sa akin na kapag andun ako, hahanapin ko yung pinakamalaking Tigger stuff toy at yayakapin ko. Masaya na ako sa ganun. Yun ang normal para sa akin.

Pero may kaabnormalan din akong nakita ngayon. Napaglaruan namin ung Rainbow Magic Drawing Board. Yun bang may magic pen na magnetic tapos may white board kaso kakaiba alng siya sa generic magic board kasi rainbow yung lalabas na outline ng drawing mo. Ambabaw ko pero natuwa ako kasi may rainbow. :))

Pasimuno kasi siya. Sabi niya, maglaro kami ng Pinoy Henyo gamit yun. Eh KJ ako. Pero ginawa pa rin niya. Sabi niya, hulaan ko daw yung sinulat niya. Eh di, todo hula naman ako. Andami nang clue. Sabi niya, lahat ng papahula niya may kinalaman sa amin. Sa aming 90% similarities. Andami kaya nun! Syempre, sirit na ang hirit ng lola mo.

EGG lang pala. Pati HUG.

Ayaw niya tumigil sa pagtawa. Ako naman, naiiyak kasi di ko nahulaan. Pati mga salesboys doon, pinapanood kami. Mukha kaming mga batang first time humawak ng magic board.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaabnormalan doon. Naiyak ako sa loob. Sabi ko, sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos, naalala niya lahat yung mundane stuffs. Kahit nagkaganito na kami.

Akala ko kasi, ako lang nagpipretend na maging okay araw araw. Akala ko, ako lang nalulungkot. Puro na lang yung ako yung inisip ko. Di ko naisip na pati siya.

Nakakainis kasi mababaw. Sa wakas ngumiti na ako ng totoo. Abnormal yun. Totoo.

Sana noon ko pa naisip na sana isipin ko na lang kung saan kami mas magiging masaya. Hindi kelangan ibasura yung masasayang sandali ng past dahil lang nalungkot ka ngayon.

Sana nagets yung meaning ng paggamit ko ng 'normal' at 'abnormal' dito. Super immersed na kasi ako sa Psychology eh.

Nakalimutan ko kasi. Kaya pala abnormal.
Kasi today is the second day of the month.

Ayun. 2 eh.

No comments: