Saturday, October 30, 2010

Sakit.

Kung iiputan ka ng uwak sa ulo, damhin mo ang init ng bawat patak ng dumi nito. Nang sa ganung paraan, doon mo malalaman na may mga bagay na sadyang kontrabida sa mundo. Ang mahalaga, huwag mo sila hahayaang bumida sa kwento mo.

Dahil may mga tao sadya ring asal-uwak, mapanlinlang. At ikakatuwa ng uwak kapag nakita niya ang sarili niyang ipot sa ulo mo.

Parang tao rin. Kaya nga may mga sadista eh.