Hindi ka naman dinaya eh.
Wala sa ating dalawa ang dinaya. Kung dinaya man tayo, wala sana ang mga pagkakataon na iyon. Mga pagkakataon na hindi natin naisip na wala nang repeat, kasi wala nang rewind.
Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan eh. Oo nga't magkasama pa rin tayo, pero pareho at sabay rin tayong nagpapanggap. Alam ko, alam mo iyon.
Hindi lang binigay sa atin ang pagkakataon na patagalin ang mga iyon.
Kung saan man tayo dalhin, bahala na. Hahayaan na lang dumating ang mga pangyayari. Ibalik na lang sa dati ang mga buhay natin.
Lalo na't wala namang may mali sa atin.
Mali lang ang oras.
No comments:
Post a Comment