Saturday, March 14, 2009

mga eksena. bow.

SWEAR. HINDI MUNA AKO MAGBABLOG FOR 5 STRAIGHT DAYS. :))


Saka ko na ikkwento ang mga DAPAT ikwento.


Lalo na yung mga eksenang nakakairita sa buhay, na sa sobrang pagod eh talagang mapapakamot ka na lang ulo. O mapapaiwas ng tingin at saka mo sasabihin, "Hay, best******."


Mga eksena ring puro na lang tawanan kahit ngarag na at kahit dalawang linggo nang may everyday scheduled long quizzes. Talagang mabwibwiset ka kung aaraw-arawin talaga. Bad words talaga yang mga inaaral mong animo acids. XD


Mga eksenang iyakan na di mo maintindihan kung sa kasiyahan ba iyon o sa kalungkutan (calling Hanna Garcia).


Mga eksenang andami mong gustong sabihin pero nakatitig ka na lang sa harap ng computer, hinid naman makapag-blog.


Mga eksenang ansarap iwasan ang mga kontrabida sa buhay lalo na kung ang kontrabidang iyon ay puro salita at pakyut lamang. Ang masama pa'y nagpapakyut, hindi naman cute. Anhilig pang bumanat, di naman nakakakilig, kundi NAKAKATAAS BALAHIBO! Gets mo ba yun, pare?


Mga eksenang natuto kang dumiskarte sa taong sa tingin mo'y hanggang tingin mo lang. Mga eksenang napabilib mo siya ng bonggang-bongga na parang hynopsis lang ang nangyari. At mga ngiting 'di na natapos kahit may (mga) nagseselos na sa likod niyong dalawa. Spell, naiinggit. :)) Yung tipong inistalk ka pa ng nagkakagusto sa kanya. Ay TAE moments yun. :D


Mga eksenang ayaw mo na mag-aral, yung feeling na puno na yung memory mo. Iniisip mo na lang na sana matapos na ang lahat, pero malapit na matapos. SWEAR. Pero bago matapos, pakiramdam mo naman, patay na ang buong sistema mo.


Mag-aaral na ako, promise. :) ♥♥♥


No comments: