Wednesday, March 18, 2009

first and last. :D

Ang hirap simulan lalo na kung gusto mo nang tapusin. Malabo pero naiintindihan mo. IRONY.


Sige, uunahin ko yung una siyempre. Kung nabasa mo yung previous blog ko, mauunawaan mo ako pag sinabi kong FIRST SCENE.


Tatapatin ko na, nakakairita naman talaga eh. Pero iwas na lang kaya kong gawin. Gusto mong maawa lalo na't naiintindihan mo kalagayan niya na dahil minsan sa buhay mo, nangyari din yun sa iyo. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong gawin sa kanya eh. Kung nababasa ito ni Jeca, naiintindihan niya sinasabi ko ngayon.


Basta, PJ will try to be nicer when you're around na lang kahit ikaw pa ang sabihin nilang English translation ng 'benta'. Waah. Ayun na!


-------


Sa kabilang dako nama'y isang paghahangad ng isipan kong makapagpahinga ng maayos. Para kang first love na hindi na ako maka-get over.


Isang huling eksena bago ko magawa ang blog na ito.


Hikab. Hikab. Hikab.


Isa ka bang sumpa?


Ilang beses nang humihikab. Sana sa bawat paghikab ko, pumapasok sa utak ko ang dapat kong maalala.


Mga mata'y bagsak pa rin kakaisip sa iyo, wala namang magagawa. Di ko gustong makasama ka pero kailangan para matapos na ang lahat. Walang hanggang pagsusunog ng kilay na nga ginagawa ko, binibigyan mo pa rin ako ng problema.


Kailan ko makikita ang tunay na kaligayahan?


*nakatulog bigla*


Wish of happiness talaga.


Ang babaw ko na. My happiness has been equated to a passing grade in my 'beloved' Bio-Org Chem. When love and hate collide nga naman. Tsssss.


Wish me luck guys. :D

No comments: