Sunday, December 12, 2010

sakit sa utak niyan, pare.

Hindi nakakatuwang isipin na natutuwa siya kasi pinagkatuwaan ka lang. Tapos may makikituwa pa na kunwari natutuwa na siya sa iyo. Kayo na lang kaya magkatuwaan noh? Baka sakaling matuwa kayo sa panloloko.

Sige, ipagpatuloy niyo lang. Ang mga nagsisinungaling lang naman ang di alam ang pinagkaiba ng katotohanan at kasinungalingan. Mag-isip ka nga, baka yung taong inaakala mong tanga lang na walang imik eh mas matalino pa sa panloloko mo. Hindi porket di yan naglalabas ng kahit isang salita eh di na siya pwedeng maging kasingtalino ng matsing. Alam niya ginagawa mo.

Sinong niloko mo ngayon?

Ituro mo sarili mo.

No comments: