Wala ka na makita?Bakit hindi mo subukang imulat hindi lang yang mga mata mo. Hindi ka na nga yata nakakaramdam.
Seryoso, anong tingin mo sa pakiramdam na iyon, sakit lang ng ngipin na kung sakali eh maging okay kapag itinulog lang? Hindi iyon pang-overight lang.
Huwag manamantala, hindi porket hawak mo, hindi na iyan dudulas, mahirap yatang makulong na walang patutunguhan.
Naging importante na lang sa iyo yung kasiyahan na naidulot nung laro. Hindi ka na nagtakip ng mga mata.
Oh eto ibibigay ko, dahil risk-taker ako.
Sobra naman yata yan. Binigay mo na lahat?
Masama bang ibigay lahat? Baka makatsamba.
Tsamba. Tsk. Hindi ka magaling tsumamba. Masyado ka nang lulong diyan. Ang taong lulong nga naman sa bagay na iyan, kahit anong advice, hindi na papakinggan.
Tama na. Nakakadismaya ka na. Ano pa bang kulang kung naibigay ko naman na lahat?
Lahat naman tayo marunong makaramdam eh. Alam mo kung anong problema sa atin, madalas kulang tayo sa talino para umiwas kung niloloko na tayo eh.
Nakakapagod sumugal kung ubos na rin ang datung na pang-tong its mo. Eh ikaw, may pangtaya ka ba diyan, baka mahiraman mo ako?
Kaya ikaw, ingat ingat sa pagtataya.
P.S. Jeka, pahiram ng picture. :D
2 comments:
Is this some kind of a conversation with yourself? :D
:D
Post a Comment